Tipid-tipid sa tubig-MWSS
MANILA, Philippines — Iginiit ng pamunuan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa mga taga-Metro Manila na magtipid sa paggamit ng tubig.
Ito’y ayon kay MWSS Administrator Reynaldo Velasco ay dahil maaaring bumaba pa ang water level sa Angat dam kung hindi uulan malapit sa dam. Ang Angat dam ang nagsusuplay ng 90 percent ng tubig sa Metro Manila.
“Projected na namin na kung hindi uulan by June 20, ang level natin would be 160 at kung hindi tutuloy yung projection ng PAGASA, we would reach 154 by end of June,” pahayag ni Velasco.
Kahapon, umaabot sa 161.78 meters ang water level sa Angat dam, mas mababa sa 162.39 meters noong Lunes June 17.
“The water level remains a little above the 160-meter critical mark despite rains last week,”sabi ni Velasco.
Una nang inanunsyo ng Maynilad at Manila Water sa mga kostumer na maghanda na sa inaasahang pagkawala ng suplay ng tubig dahil sa patuloy na pagbaba ng water level sa Angat dam sa kabila na may nararanasan nang pag-ulan sa ngayon.
- Latest