Taas -baba sa presyo ng petrolyo, binatikos
MANILA, Philippines — Binatikos ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) ang taas at baba sa presyo ng produktong petrolyo sa bansa.
Sa idinaos na rally sa East Avenue, Quezon City, kinondena ni Steve Ranjo, secretary general ng PISTON ang tila urong-sulong na presyuhan ng langis kung saan noong nakaraang linggo lamang ay nagkaroon ng rollback subalit ngayon ay magkakaroon ng taas presyo.
Tinira rin ni Ranjo ang pamahalaan sa pagpataw naman ng malaking ‘excise tax’ sa produktong petrolyo taun-taon na nagsimula pa noong 2018 hanggang 2020 na nakapaloob sa Train Law.
Nagmartsa rin ang grupo sa tapat ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para batikusin ang pagpapatupad ng pwersahang jeepney phase out at phase out ng individual franchise operators sa pamamagitan ng ipinaiiral ng ahensya na sapilitang pagpapasapi sa mga small individual operators sa mga kooperatiba o korporasyon alinsunod sa direktiba ng LTFRB na mandatory franchise consolidation.
- Latest