^

Metro

Mga baril at bala isinuko ng pamilya nang pumanaw na opisyal ng militar

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Mga baril at bala isinuko ng pamilya nang pumanaw na opisyal ng militar
Ang mga baril at bala na isinuko sa Pasay City Police ng anak ng ret. military na iprinisinta sa media kahapon.
Kuha ni Miguel De Guzman

MANILA, Philippines – Nasa mahigit dosenang mga baril at daan-daang mga bala ang sinurender ng pamilya ng isang sundalong namatay  matapos ang  ikinasang ‘ Oplan katok’ ng mga pulis, kamakalawa sa Pasay City.

Ayon sa hepe ng Pasay City na si P/Col. Bernard Yang,  kabilang sa mga isinuko ay ang .3 kalibre .45-caliber pistols na may 10 magazines, tatlong .22-caliber revolvers, .357-caliber revolver,  5.57-caliber revolver, 3 air gun pistols, 3 air gun rifles, .22-caliber rifle.

 Kabilang din ang  7 pirasong M-16 rifle short magazines, 350 bullets para sa  5.57-caliber revolver; 397 bullets para sa  “special” .38-caliber revolver; 141 bullets para sa “super” .38-caliber revolver; 61 bullets para sa .22-caliber revolver; 334 bullets para sa  .45-caliber pistol; 22 bullets para  50-caliber gun at  245 bullets para  60-caliber gun.

 Base sa report, sinurender ang naturang mga baril at bala ni Barbie Varin delos Santos,  anak ng namayapang si Philippine Air Force Colonel Eliano Remigio delos Santos.

Matapos magtungo ang mga pulis sa bahay nito sa Saint Jude Street, Barangay 179, Maricaban, alas-2:25 ng hapon sa ikinasa nilang oplan katok.

Sabi ng mga pulis, nakabaon pa ang mga armas at bala ng  kanilang abutan sa bahay.

Nabatid na collection aniya ng nasawing opisyal ng militar ang nasabing mga baril at bala.

GUNS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with