^

Metro

2,500 tauhan ng MMDA, ikakalat sa pagbubukas ng klase sa Lunes

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
2,500 tauhan  ng MMDA, ikakalat sa pagbubukas ng klase sa Lunes
Ang mga Grade 7 students ng Araullo High School sa Maynila na dumalo sa isinagawang orientation at dry run para sa pagbubukas ng klase sa Lunes.
Kuha ni Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Nasa 2,500 tauhan ng Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) ang naka-full force sa  Lunes (Hunyo 3) para matiyak na ligtas at maayos ang pagbubukas ng klase sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, na  ide-deploy ang nabanggit na bilang ng kanilang personnel bago mag-alas-5:00 ng umaga sa Lunes at sa mga susunod na araw kung kailan magbubukas na ang klase para masigurong maayos ang daloy ng trapiko sa Kamaynilaan.

“Ilalagay natin ang ating mga traffic enforcers sa mga lugar sa Metro Manila na ma-trapik para i-monitor ang sitwasyon ng trapiko partikular sa mga lugar na malalapit sa mga eskwelahan. Magdaragdag din tayo ng mga tauhan kung kinakailangan,” ani Lim.

Samantala, ayon kay MMDA Traffic Discipline Office Chief Teroy Taguinod, pinaalalahanan na ang mga district traffic heads na makipag-ugnayan sa mga opisyal ng paaralan, barangay, at mga local traffic officials para maibsan ang epekto ng bigat ng daloy ng trapiko sa paligid ng eskwelahan.

Inatasan din ni Taguinod ang kanyang mga tauhan na huwag umalis sa kani-kanilang pwesto, maging magalang, at tiyaking naipapatupad ang batas trapiko. Binanggit din nito na mala­king tulong sa kaayusan ng kalsada ang presensya ng mga traffic enforcers.

Isa ang MMDA sa partner agencies ng Department of Education’s Inter-Agency Task Force para sa Oplan Balik Eskwela sa taong ito.

DANILO LIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with