NCRPO umalerto na sa pagbubukas ng klase sa Lunes

Ayon kay NCRPO chief P/Maj. Gen. Guillermo Elea­zar, naghahanda na ang buong pwersa ng pulisya sa Metro Manila bago ang pagsisimula ng pasukan.
File Photo

MANILA, Philippines — Itinaas na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa full alert status ang Kalakhang Maynila para sa muling pagbubukas ng klase sa June 3.

Ayon kay NCRPO chief P/Maj. Gen. Guillermo Elea­zar, naghahanda na ang buong pwersa ng pulisya sa Metro Manila bago ang pagsisimula ng pasukan.

Tututukan ng NCRPO ang pagresponde sa pekeng ‘bomb threats’ na pangunahing problema tuwing sumasapit ang pagbubukas ng klase.

Nauna nang sinabi ni Eleazar na nasa 7,153 pulis ang ipakakalat sa Metro Manila para tiyakin ang kaligtasan ng mga estudyante sa pagbubukas ng klase.

Hinimok din ng opisyal ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad at i-report kung may mga kahina-hinalang indibiduwal silang napapansin  sa kanilang lugar.

Show comments