^

Metro

7K pulis ikakalat sa Balik Eskwela

Mer Layson, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
7K pulis ikakalat sa Balik Eskwela
Ayon kay NCRPO Director P/Major General Guil­lermo Eleazar, itatalaga ang mga pulis sa mga pi­ling paaralan dahil sa hindi naman kayang i-cover ng kanyang mga tauhan ang lahat ng eskwelahan.

MANILA, Philippines — Upang matiyak na magiging payapa ang pasukan ng mga mag-aaral sa Hunyo 3, nasa 7,000 pulis ang ikakalat sa Metro Manila ng pamunuan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO).

Ayon kay NCRPO Director P/Major General Guil­lermo Eleazar, itatalaga ang mga pulis sa mga pi­ling paaralan dahil sa hindi naman kayang i-cover ng kanyang mga tauhan ang lahat ng eskwelahan.

Tiniyak din ni Eleazar na may tamang koordinasyon ang pagtatalaga ng kanilang mga tauhan sa pamunuan ng mga paaralan lalo sa mga pribado at ekslusibo.

Bukod sa mga paaralan, ikakalat din ng NCRPO ang kanilang mga tauhan sa mga ruta patungo sa mga es­kwelahan upang masawata naman ang pagsasamantala ng mga kriminal tulad ng mga holdaper, mandurukot, at swindler na target ang mga estudyante bilang ba­hagi na rin ng kanilang “crime prevention campaign”.

Samantala, inilunsad ng pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) ang “Ligtas Balik Eskwela” program para magbigay ng maayos at payapang seguridad sa mga estud­yante na magbabalik-es­kwela ngayong school year 2019-2020.

Ayon kay QCPD Dir. P/BGen Joselito Esquivel Jr., ready na sila sa pagbibigay ng seguridad para sa mga estudyante na magbabalik-eskwela sa Hunyo 3.

Sinabi pa ni Esquivel, nakalatag na ang kanilang mga security plans para sa “Ligtas Balik-Eskwela 2019”, pangunahin na rito ang pagpapakalat ng mga pulis malapit sa mga paaralan at mga lugar na natukoy na ‘crime prone areas’ para matiyak ang kaligtasan ng publiko, partikular ang mga mag-aaral.

GUIL­LERMO ELEAZAR

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with