266 preso sa Manila City Jail, bumoto

Mahigit sa 200 bilanggo sa Manila City Jail ang nakilahok sa isinagawang halalan kahapon.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — May 266 preso sa Manila City Jail (MCJ) ang nakaboto sa inilagay na special polling precinct ng Commission on Election (COMELEC) sa ginanap na midterm elections kahapon sa Maynila.

Ganap na alas-8:30 ng umaga nang magsi-mulang bumoto ang mga bilanggo at natapos ng ala-1:30 ng hapon sa Chapel ng MCJ.

Ang mga nakabotong inmates ay iyong mga nakapagparehistro sa itinakdang registration period ng Commission on Election (COMELEC) noong nakalipas na taon.

Ayon kay JCapt Jay Rex Bustanera, ang na­banggit na pagboto ng mga preso ay inobser­bahan ng mga kinatawan ng COMELEC, Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at Commission on Human Rights (CHR) kung saan tanging mga kandidato lamang sa pagka- Senador ang kanilang ibinoto.

Nalaman na ang mga boto ng inmates ay sinecure ng COMELEC at dinala sa pinaka-ma­lapit na polling centers para doon ipasok sa vote counting machines.

Show comments