PICC bantay-sarado na!

Dumalo kahapon sa isang misa ang mga pulis sa send-off ceremony sa CCP grounds, Pasay City kaugnay ng pagdaraos ng national at local elections bukas.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Bantay-sarado ngayon ng Pasay City Police ang Philippine International Convention Center (PICC), na magsisilbing lugar para sa National Canvassing ng Commission on Elections (COMELEC) sa Halalan 2019.

Ayon kay P/Col Bernard Yang, hepe ng Pasay City Police, may mga naka-­deploy ng mga pulis sa paligid ng PICC, partikular sa The Forum facility, upang matiyak ang seguridad hanggang sa mismong araw ng botohan at panahon ng canvassing ng mga balota.

Bukod sa PICC, sinabi ni Yang na magiging bantay-sarado rin ng Pasay Police ang Cuneta Astrodome na itinalagang canvassing area para sa 23 polling center ng buong lungsod.

Ayon sa Pasay City Police, nasa 149 personnel ang ipapakalat sa araw ng eleksiyon, habang  300 ang in-charge sa anti-criminality.

Pinaalalahanan din nito ang publiko na dumulog sa itinayong Station Elections Monitoring Action Center (SEMAC), kung may reklamo na may kaugnayan sa eleksyon.

Show comments