^

Metro

Kapakanan ng mga senior, tututukan ni Lim

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng nagbabalik alkalde ng Maynila Alfredo S. Lim na sa oras na makabalik siya sa city hall, ang assistance na ibinibigay sa mga senior citizens ng Maynila ay hindi lamang dadagdagan kundi ipapamahagi pa sa pamamagitan ng mga barangay nang sa gayun ay hindi na kakailanganin pang mamasahe at mapagod ang mga ito.

Ang pagtitiyak ay ginawa ni Lim, na tumatakbo bilang kandidato para mayor ng ruling PDP-Laban party na pinamumunuan ni President Rodrigo Duterte, sa kanyang pakikipagdayalogo sa daan-daang senior citizens mula sa ika-anim na distrito ng Maynila, kung saan kasama niya ang kandidato niya para Councilor na si Raffy Crespo Jimenez na aniya ay tutulong sa kanya upang makalikha ng mga magagandang proyekto para sa senior citizens upang magkaroon ng pagkakakitaan ng mga may edad nang residente na gusto pa at kaya namang  maghanapbuhay.

Inireklamo ng senior citizens na kailangan pa umano nilang mamasahe at magpagod na magtungo sa Universidad de Manila upang makuha lamang ang kanilang benepisyo na anila ay nababawasan pa dahil sa gumagastos sila ng pamasahe, kung saan kailangan ay may kasama pa sila.

 Sa kanyang pananalita, sinabi ni Lim na kanyang aatasan ang senior citizens’ affairs office na magsagawa ng sistema upang ang mga senior citizens ay ‘di na kailangang mahirapan pa para lamang makuha ang mga benepisyo na para naman talaga sa kanila.

Pinayuhan din ni Lim ang mga senior citizens na mag-ingat sa mga kandidato na bumibili ng boto dahil ‘di lamang umano minamaliit ng mga ito ang pagkatao ng mga botante kundi tiyak din umanong magnanakaw ang mga ito sa kaban ng bayan kapag nakapuwesto, upang bawiin ang kanilang ‘puhunan.’

Ani Lim, kunin ang alok na pera pero ibasura ang mga kandidatong namimili ng boto, upang ipaalala, sa kanila na ang pagkatao at dignidad ng mga botante ay hindi ‘for sale’ o .

ALFREDO S. LIM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with