^

Metro

Full autonomy ng mga barangay chairman, ipapatupad ni Lim sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ng nagbabalik  na alkalde ng Maynila Alfredo S. Lim na  bibigyan niya ng lubos na kalayaan o ‘full autonomy’ ang mga bara­ngay chairman sa oras na muli siyang maluklok na mayor  ng lungsod.

Ayon kay Lim, na siyang kandidato para mayor ng ruling party PDP-Laban na pinamumunuan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte,  ipatutupad niya ang isang uri ng sistema kung saan lahat ng barangay chairman ay agad na makakakuha ng kanilang budget nang di na kailangan pa ang pagsang-ayon ng City Council.

 ‘Nung ako ang mayor, automatic and pagre-release ng mga pondo ng barangay at kahit kelan ay hindi ko pinakialaman ang pondo at trabaho ng mga barangay.  Di na rin kailangan pa ang pirma ko para lang lumabas ang pondo. Ibabalik ko ang sistemang ‘yan,’ ani Lim.

Binigyang-diin din ni Lim na walang dahilan upang ibinbin o i-delay ang paglalabas ng barangay funds o makiusap at magmakaawa ang isang barangay chairman para lamang makuha ang pondo na talaga namang para sa kanila. Sa ilallim ng local government code, ang mga barangay ay may karapatang share o parte mula koleksyon ng real property tax (RPT) at internal revenue ng lungsod na nakasasa-  kop sa kanyang barangay.

Sa ilalim ng kanyang pamumuno ay titiyakin uma­no ni Lim na pantay-pantay ang magiging trato sa mga barangay pagdating sa makukuhang mga tulong mula sa pamahalaang- lungsod.

ALFREDO S. LIM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with