Rehab project ng MRT-3, umarangkada na

Alinsunod sa kontrata, kabilang sa mga isasailalim sa rehabilitasyon, aayusin at imamantine ay ang electromechanical components, power supply system, rail tracks, depot equipment, elevators at escalators sa lahat ng istasyon ng tren, gayundin ay sasailalim ang 72 light rail vehicles (LRVs) sa overhaul.
facebook

MANILA, Philippines — Iniulat ng pamunuan ng Department of Transporation (DOTr), na nagsimula nang umarangkada ang rehabilitation project ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na ipinagkaloob sa Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries (MHI)-TES Philippines (TESP) ng kontrata.

 Si Transportation Undersecretary Timothy John Batan ang siyang nanguna sa ceremonial turnover ng mga dokumento, kasama ang mga opisyales ng Japan International Cooperation Agency (JICA), MRT-3, at Sumitomo-MHI-TESP. 

Alinsunod sa kontrata, kabilang sa mga isasailalim sa rehabilitasyon, aayusin at imamantine ay ang electromechanical components, power supply system, rail tracks, depot equipment, elevators at escalators sa lahat ng istasyon ng tren, gayundin ay sasailalim ang 72 light rail vehicles (LRVs) sa overhaul.

 Inaasahan naman ng DOTr na makukumpleto ang naturang rehabilitasyon sa loob ng unang 26 na buwan ng 43-month rehabilitation and maintenance contract.

 Target ng MRT-3 na madagdagan ang buma­byaheng tren mula 15 sa 20, at maiakyat ang opera­ting speed sa 60 kilometers per hour.

 Ang MRT-3 ay bumibiyahe sa kahabaan ng EDSA, mula sa Taft Avenue, Pasay City hanggang North Avenue, Quezon City at pabalik.

Show comments