^

Metro

Pagwawalis sa provincial bus terminal sa EDSA, tuloy

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Pagwawalis sa provincial bus terminal sa EDSA, tuloy
Sabi ni MMDA traffic czar Bong Nebrija, nire­respeto pa rin nila ang mga mambabatas, na magsasampa ng temporary restraining order (TRO) laban sa naturang regulasyon.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Hindi matitinag ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kanilang hakbangin na maipatupad ang pagsasara ng mga provincial bus terminal sa EDSA sa kabila ng mga batikos at apila ng isang  grupo na itigil ang implementasyon  nito.

Sabi ni MMDA traffic czar Bong Nebrija, nire­respeto pa rin nila ang mga mambabatas, na magsasampa ng  temporary restraining order (TRO) laban sa naturang regulasyon.

Ngunit, sinabi ni Nebrija na patuloy nila itong ipatutupad  hangga’t walang utos ang Supreme Court  para ipatigil  ito.

“That’s part of the democratic process. They can file a TRO and we will abide by the decision of the SC based on the prayers of the petitions. But for the meantime, we will continue with our dry run,” ayon kay  Nebrija.

Ang pahayag ni Nebrija ay bunsod sa  kahilingan ng AKO Bicol Party-list sa Supreme Court (SC) na itigil ang MMDA Regulation No. 19-002, na pagsasara o totally pag-aalis ng lahat ng bus terminal sa EDSA.

“Pinapatay na nila habang dry run pa lang. How would we know if this is an effective measure to address traffic? This is one of the policies that will address on one of the chokepoint areas on EDSA,” sinabi pa ni Nebrija.

BONG NEBRIJA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with