MANILA, Philippines — Nagdaos ng fun run na may temang “Takbo Para Sa Kalikasan” ang libong indibidwal para suportahan ang Battle for Manila Bay Without Waste na programa ng pamahalaan, sa Burnham Green, tapat ng Quirino Grandstand, sa Rizal Park, Ermita, Maynila, kahapon ng umaga.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Department of Interior and Local Government (DILG), katuwang ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Metro Manila Development Authority (MMDA) at mga pribadong kumpanya.
Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na layunin ng proyekto na isulong ang rehabilitasyon ng Manila Bay at iba pang coastal areas at pagpepreserba ng Philippine Water at iba pang natural resources ng bansa.