MANILA, Philippines — Umaabot sa P60 milyong halaga ng mga puslit na asukal at paputok ang nakumpiska ng Bureau of Customs sa pantalan ng Subic.
Nabatid na inutos ni BOC District Collector Maritess Martin ang examination ng 35x40 containers na dumating mula sa Hong Kong noong Marso 31 at April 7 matapos na makatanggap ng impormasyon na misdeclared ang naturang container.
Lumilitaw na ang 34 containers ay nakapangalan sa JRFP International Trading at naglalaman umano ng floor mats at plastic floor coverings.
Subalit nang busisiin ng Customs officers nadiskubreng 21,760 bags ng Thailand refined sugar at ilang kahon ng firecrackers ang laman ng container.
Dahil dito, inutos ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang pagbawi sa accreditation ng importer at broker. Naglabas din ng warrant of seizure and detention para sa shipment.