MANILA, Philippines — Hindi pinabayaan at ti-nutulungan na ng kampo ni dating Makati City Mayor Romulo ‘Kid’ Peña ang pamilya nang nasawing garbage collector sa aksidenteng naganap nitong Linggo ng umaga habang nagmo-motorcade ang supporters ng una sa Makati City.
Sinabi ng kampo ni Peña, kumakandidatong congressman sa unang distrito sa lungsod ng Makati, na ikinalungkot nilang labis ang pagkasawi ni Eduardo Arcilla, 25, binata, ng Caridad St., Brgy. Tejeros ng nabanggit na lungsod.
Dahil sa pakiusap ni Peña, kusang sumuko sa pulisya ang sangkot na dri-ver na si Anthony Rebano Ocfemia, 36, ng Mahabang Parang, Santa Maria, Bulacan, na sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide.
Kasabay nito, pinabulaanan din ni Peña, ang lumabas na ulat na hindi niya pinansin o binalewala ang naturang insidente, katunayan umano ay mabilis niyang tinungo ang lugar para alamin agad-agad at matulu-ngan ang biktima.
Naganap ang insidente alas-10:16 ng umaga sa H. Santos St., harapan ng H. Santos Bliss, Brgy. Tejeros ng naturang siyudad.
Nabatid na inarkila ang isang Isuzu Elf na minamaneho ni Ocfemia na sinakyan naman ng mga supporter ni Peña, na naka-convoy sa kanilang motorcade.
Tiyempo naman na na-ngongolekta ng basura ang biktima, na ilalagay naman nito dump truck na minamaneho naman ni Jeffrey Arevalo, 33 nang mahagip at maipit ito ng Isuzu Elf si Ocfemia.
Dahil maraming tao at maingay ang motorcade, hindi narinig ni Ocfemia na nakadisgrasya na pala siya. Kaagad na dinala ang biktima ng rescue team sa Pasig Alfonso Hospital Dr, Sixto Avenue, Bgy. Bambang, Pasig City, ngunit idineklara itong dead-on- arrival dahil sa matinding pinsala na tinamo.