^

Metro

Garbage collector na nasawi sa motorcade, ‘di inabandona ni Peña

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Garbage collector na nasawi sa motorcade, ‘di inabandona ni Peña
Si dating Ma­kati Mayor Kid Peña na ngayon ay tumatakbong congressman sa unang distrito sa Makati na agad na nagtungo sa lugar na pinagyarihan ng aksidente na kinasasangkutan ng isang driver na kasama sa kanyang motorcade noong Linggo. Patunay ang larawan na hindi niya pinabayaan ang naging biktima ng trahedya.

MANILA, Philippines — Hindi pinabayaan at ti-nutulungan na ng kampo ni dating Makati City Mayor Romulo ‘Kid’ Peña ang pamilya nang nasawing garbage collector sa aksidenteng naganap nitong Linggo ng umaga habang nagmo-motorcade ang supporters ng una sa Makati City.

Sinabi ng kampo ni Peña, kumakandidatong congressman sa unang distrito sa lungsod ng Makati, na ikina­lungkot nilang labis ang pagkasawi ni Eduardo Arcilla, 25, binata, ng Caridad St., Brgy. Tejeros ng nabanggit na lungsod.

Dahil sa pakiusap ni Peña, kusang sumuko sa pulisya ang sangkot na dri-ver na si Anthony Rebano Ocfemia, 36, ng Mahabang Parang, Santa Maria, Bulacan, na sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Kasabay nito, pinabula­anan din ni Peña, ang lumabas na ulat na hindi niya pinansin o binalewala ang naturang insidente, katuna­yan umano ay mabilis niyang tinungo ang lugar para alamin agad-agad at matulu-ngan ang biktima.

Naganap ang insidente alas-10:16 ng umaga sa H. Santos St., harapan ng H. Santos Bliss, Brgy. Tejeros ng naturang siyudad.

Nabatid na inarkila ang isang Isuzu Elf na minama­neho ni Ocfemia na si­na­kyan naman ng mga supporter ni Peña, na naka-convoy sa kanilang motorcade.

Tiyempo naman na na-ngongolekta ng basura ang biktima, na ilalagay naman nito dump truck na minama­neho naman ni Jeffrey Arevalo, 33 nang mahagip at maipit ito ng Isuzu Elf si Ocfemia.

Dahil mara­ming tao at ma­ingay ang motorcade, hindi narinig ni Ocfemia na nakadisgrasya na pala siya. Kaagad na dinala ang biktima ng rescue team sa Pasig Alfonso Hospital Dr, Sixto Avenue, Bgy. Bambang, Pasig City, ngu­nit idineklara itong dead-on- arrival dahil sa matinding pinsala na tinamo.

GARBAGE COLLECTOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with