MANILA, Philippines — Nangako ng suporta sa kandidatura ni PDP-Laban Manila mayoral candidate Alfredo S. Lim ang mahigit 2,000 pangulo ng iba’t ibang organisasyon ng pedicabs at tricycles.
Sa ginanap na ugnayan kahapon sa Sampaloc, sinabi ni Lim na kung siya ay maibabalik, hindi niya papayagan ang anumang uri ng pangingikil at towing sa mga pedicab at tricycle na namamasada sa lungsod.
Hinaing ng mga pangulo ng asosasyon na napakataas ng multa at mga hinihinging bayarin sa kanila mula P500 hanggang P1,500 at panggigipit kapag nakita na may nakasabit na tarpaulin sa kanilang minamaneho.
Ani Lim, agad niyang sisibakin ang sinumang irereklamo nang pangongotong sa mga maliliit na namamasada para sa kanilang kabuhayan.
Sakaling muling maupo, sinabi ni Lim na iuutos na pag-aralan at ikonsidera ang pagpapatupad ng mungka-hing implementing rules and regulations (IRR) na siyang magiging gabay sa operasyon ng tri-wheeled vehicles sa lungsod at bigyan din sila ng sapat na proteksyon..
“Hindi lang extortion ang mawawala kapag ako na ang nakaupo sa City Hall. Uunahin ko ‘yung gumagawa ng extortion,’”ani Lim.