Pulis, AWOL na sundalo 160 pa huli sa SACLEO

Ang nadakip na pulis sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Hon. Judge Elmo Alameda ng Makati City RTC dahil sa kasong illegal possession of firearms ay kinilalang si Police Staff Sgt. Chris Marquez, nakatalaga sa Police Regional Office 4A, habang arestado rin ang kasabwat nito na si Dennis Tamonan, na umano’y sangkot sa illegal drug trade.

MANILA, Philippines — Higit sa 160 katao ang pinagdadakip ng mga otoridad kabilang ang isang aktibong pulis at Grab driver na kasapakat nito at isang sundalo na matagal nang AWOL (absence without leave) sa isinagawang “simultaneous anti-criminality law enforcement operations” o SACLEO sa Makati City mula Sabado ng gabi.

Ang nadakip na pulis sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Hon. Judge Elmo Alameda ng Makati City RTC dahil sa kasong illegal possession of firearms ay kinilalang si Police Staff Sgt. Chris Marquez, nakatalaga sa Police Regional Office 4A, habang arestado rin ang kasabwat nito na si Dennis Tamonan, na umano’y sangkot sa illegal drug trade.

Nakumpiska sa bahay ni Marquez ang dalawang kalibre .38 na baril, isang kalibre .22 rifle, isang airgun at tatlong plastic sachet ng shabu.

Ang sundalong matagal nang AWOL sa Philippine Army’s 2nd Infantry Division mula pa noong 2015 ay si Cpl. Nolan Yatar. Isang sachet ng shabu ang nakumpiska ng mga pulis mula sa kanya.

Sinabi ni Makati City Police chief, Colonel Rogelio Simon, kabilang sa mga inaresto nila ay mga sangkot sa pagtutulak ng iligal na droga, loose firearms, Most Wanted Persons, at mga lumabag sa mga ordinansa.

Mula alas-5 ng hapon hanggang alas-5 kahapon ng umaga, nasa 18 drug suspek ang nadakip habang 18 plastic sachet ng shabu na may kabuuang halaga na P60,000 ang nakumpiska.

Nasa 22 naman ang dinampot sa iligal na sugal, siyam sa inuman sa kalsada, 46 sa paninigarilyo, isa sa pagdadala ng patalim, at 64 na kabataan sa curfew.

Anim katao rin ang inaresto ng mga tauhan ng Intelligence Unit sa illegal possession of firearms kung saan nakumpiska ang dalawang kalibre .38 baril, isang kalibre .45, mga bala at pitong plastic sachet ng shabu.

Show comments