MANILA, Philippines — Umaabot sa mahigit 100,000 kidney patients sa lungsod ng Maynila ang nabigyan ng dialysis treatment sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) simula nang itayo ito noong 2014.
Ayon kay Gat. Andres Bonifacio Memorial and Medical Center Director Dr. Lui Aquino, nasa 111,500 hemodialysis treatments mula Disyembre 2014 hanggang ngayon, nasa 854 ang patuloy ang pagda-dialysis.
Nabatid na 72 dialysis machines na ang nakalagay sa Dialysis Center na nagagamit ng ilang daang pasyente na may problema sa kidney.
Binigyan diin naman ni Manila Mayor Joseph Estrada na ‘pro bono’ o libre ang dialysis treatment na kanyang inumpisahan noong maging Pangulo ng bansa.
Aniya daang Manilenyo ang walang kakayahang gumastos ng dialysis treatment kaya’t pinursige niya na mapaayos ang GABMMC at maglagay ng dialysis machines.
Maiiwasan ang pagkamatay dahil sa kidney disease kung tuluy-tuloy ang gamutan. Ang bawat pasyente ay kailangan na sumailalim sa hemodialysis treatment tatlong beses isang araw.