Furniture store nasunog: 1 patay

MANILA, Philippines — Isa ang nasawi sa naganap na sunog sa isang furniture store sa Muntinlupa City, kahapon ng umaga.

Ayon sa inisyal na report ng Muntinlupa City, Bureau of Fire  and Protection (BFP) alas-7:12 kahapon ng umaga nang sumiklab ang sunog sa furniture store sa Laurel Compound, Brgy. Putatan ng nabanggit na siyudad.

Nabatid na na-trap  ang biktima na si Mario Mercurto sa loob na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Alas-8:01 ng umaga nang ideklarang fire-out ang natu­rang sunog, na umabot lamang sa unang alarma.

Show comments