5 maling akala pagdating sa bank loans

Kung tutuusin, marami talagang tanong at agam-agam sa pag-loan. Ang malungkot pa, maraming tao ang hindi naglo-loan dahil hindi nila naiintindihan ang proseso.
Photo Release

Isa sa mga bagay na matututunan kapag nagsimula nang kumita ay ang mag-impok ng perang pinaghirapan. Imbis na ito ay manakaw o magamit sa mga bagay na walang katuturan, mas mabuti na mailagay ang pera kung saan hindi agad magagastos. Ang pinaka-safe na pamamaraan ay ang pag-iimpok sa bangko. Ang kagandahan pa nito ay ang kasiguruhang ito ay tutubo ng interes at ang pera may garantiya ng PDIC (Philippine Deposit Insurance Corporation) hanggang P500,000.

Isa sa mga benepisyo ng pagdedeposito sa bangko ay ang oportunidad na makapag-loan.

Siguradong umabot na tayo sa puntong nangailangan ng pera, dala ng iba't ibang sitwasyon: para ipang-puhunan sa negosyo, pambili ng sariling bahay o ng sasakyan. At malamang kinonsidera na nating mag-loan sa bangko kaugnay ng mga ito. Hindi naman masamang mang-hiram sa bangko kung ikaw ay may kakayanang magbayad at gagamitin mo ang hiniram hindi sa luho, pero sa tamang paraan.

Kung ikaw naman ay maayos magbayad at tumutupad sa kasunduan, magiging maganda ang iyong credit score at tataas ang limit sa panghihiram ng pera? Para pagdating ng panahon at lumaki pa ang iyong negosyo, hindi maaantala ang iyong pag-expand dahil meron kang handang puhunan.

Pero bago pag-usapan ang iba pang benepisyo sa pagbabangko, marami na rin sa atin ang nagtatanong kung sila ba ay qualified sa paghiram, o kung pahihiramin nga ba talaga sila ng bangko. May miskonsepsyon din na para lang sa mayaman ang paghiram sa bangko.

Isa sa mga benepisyo ng pagdedeposito sa bangko ay ang oportunidad na makapag-loan. Photo Release

Kung tutuusin, marami talagang tanong at agam-agam sa pag-loan. Ang malungkot pa, maraming tao ang hindi naglo-loan dahil hindi nila naiintindihan ang proseso o may mga maling paniniwala sila tungkol dito.

Ano ba ang mga kadalasang maling akala hinggil sa paglo-loan sa bangko?

1. “Ang bank loans ay para sa mga mayayaman at may pinag-aralan lamang. Hindi ito para sa akin.”

Nakakatakot talaga ang sumulong sa isang bagay nang walang kaalam-alam. Ganito ang pakiramdam ng ilan kapag naglo-loan sa bangko for the first time. Para naman sa iba, para lang sa mayayaman ang pagbabangko. Pero tandaan natin na banks are for everybody. Basta maipakitang meron kang regular na income, at makapagbabayad ka sa tamang oras base sa usapan, qualified na qualified kang mang-hiram sa bangko. 

2. “Gagamitin ko na lang yung ipon ko at hindi na ako manghihiram sa bangko.”

Talagang nakaka-intimidate ang mga bagay na hindi ka pa pamilyar. Halimbawa, may mga negosyante na natatakot mag-business loan sa bangko dahil natatakot silang mabaon sa utang. Dahil dito, napipilitan silang gamitin ang personal savings para sa negosyo. Although okay lang naman ito, lalo kung kayang i-sustain, masasabi nating risky din dahil sa oras na malasin ka sa negosyo at ito’y malugi, pati savings mo wala na din. Wala nang matitira sa'yo.

‘Wag tayong matakot manghiram sa bangko para pang-negosyo.

Alam niyo ba na karamihan ng mga mayayaman ay gumagamit ng OPM. Hindi Original Pinoy Music kundi "Other People's Money" sa pamamagitan ng bangko. Ang bangko ay nagpapaikot ng pera mula sa iba’t ibang tao para sa maraming bagay, isa na dito ang pag-e-extend ng loan.  Nanghihiram ang mayayaman para palaguin ang kanilang negosyo. Di kalaunan ay mababawi nila at mababayaran ang interes. Pwede ring ganito ang maging strategy sa business.

3. “Mahirap mag-apply ng loan, sayang lang oras ko!”

Maraming bangko ang tumatanggap ngayon ng loan application via mobile banking o online banking. Malalaman rin ang iba’t-ibang requirements nila nang hindi na pumupunta pa sa branch para magtanong. Tipid ka na sa oras, tipid ka pa sa pamasahe. Hindi ka pa pagod.

4. “Kailangang marami akong pera sa bangko bago ako pahiramin.”

Kung marami ka nang pera, bakit pa natin kailangang manghiram? Alam naman ng bangko na may pangangailangan tayo kaya tayo nanghihiram. Hindi nagdi-discriminate ang bangko basta’t kumpleto ang requirements at may kakayanang magbayad.

5. “Grabe ang taas ng interest baka mabaon lang ako lalo sa utang.”

Ang totoo, mas mababa ang interes sa bangko kumpara sa mga ino-offer ng loan sharks o 5-6? Sa mga loan shark, ang Interest ay nag-uumpisa sa 5 percent hanggang of 20 percent per month, kumpara sa bangko na nasa 8 percent to 15 percent lamang ang interest rate PER YEAR. 

Sa dami ng maling akala, maraming Pinoy ang nagiging biktima ng loan sharks at 5-6. Sa huli ay napipilita silang maghulog ng malaking interes. Kaya mahalaga na matuto tayong magtanong at pumunta sa mga taong may alam para makakuha tayo ng tamang impormasyon, para hindi tayo abusuhin ng mga tao na nais lang tayong gamitin at pagkakitaan. 

Think. Reflect. Apply.

Naisipan mo na bang manghiram ng pera sa bangko? Tumuloy ka ba o hindi? Bakit?

Mahalaga na malaman mo ang karapatan mo at malaman ang katotohanan bago ka manghiram sa bangko.

For more information on how to avail of a bank loan when starting your own business, visit the BDO website at https://www.bdo.com.ph/loans/sme-loan.

Show comments