^

Metro

Disenteng pangangampanya, giit ni Joy B

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Disenteng pangangampanya, giit ni Joy B
“I am praying for a campaign season free of fake news, black propaganda, mud-slinging, and lies. I know this is wishful thinking, but miracles do happen, especially when God’s righteous love prevails,” pahayag ni Belmonte na tumatakbo sa pagka-alkalde sa Quezon City.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Nanawagan si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ng positibo at disenteng pangangampanya sa pagsisimula kahapon ng campaign period para sa mga lokal na kandidato para sa eleksyon sa Mayo.

“I am praying for a campaign season free of fake news, black propaganda, mud-slinging, and lies. I know this is wishful thinking, but miracles do happen, especially when God’s righteous love prevails,” pahayag ni Belmonte na tumatakbo sa pagka-alkalde sa Quezon City.

“To our voters, what we wish is just to be able to express our platform, have the chance to deliver our programs for the city, and win in an honest and safe election,” dagdag niya.

Sa unang araw ng campaign period, nag­lunsad ng proclamation rally ang Serbisyo sa Bayan Party (SBP), lokal na partido ni Belmonte, kung saan ipinahayag ng mga kandidato sa ilalim nito ang kanilang mga plataporma para sa mga mamamayan ng lungsod.

Pinangunahan ni Belmonte ang nasabing pagtitipon at sinamahan siya ng kanyang running mate na si Coun. Gian Sotto, tumatakbong vice mayor; kanilang mga ama na sina Cong. Feliciano “Sonny” Belmonte Jr. at ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

“My goal is to be an exemplary leader that the people can trust and can deliver positive change for the good of the people. Hindi ako mangangako ng kung anu-ano na hindi ko naman kayang tuparin pero sisiguruhin ko na lagi nating uunahin ang kapakanan ng nakararami, at ang kabutihan para sa ating mga mamamayan,” ani Belmonte.

Sa nasabing proclamation rally, dumalo ang ilan sa mga kandidato sa pagkasenador sa ilalim ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) na kinabibilangan nina Senators Cynthia Villar, Aquilino Pimentel III, JV Ejercito, at Juan Edgardo Angara; mga dating senador na sina Jinggoy Estrada, Ramon Revilla Jr., at Pia Cayetano; Maguindanao Rep. Zajid Mangudadatu, Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, dating national police chief Ronald dela Rosa, dating special assistant to the president Christopher Go, dating presidential legal adviser Francis Tolentino at broadcast journalist na si Jiggy Manicad.

Nobyembre ng nakaraang taon nang pormal na nakipag-alyansa ang SBP sa HNP sa ilalim ni Davao City Mayor Sara Duterte.  

CAMPAIGN SEASON FREE

JOY BELMONTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with