^

Metro

Bus terminals sa EDSA, tuluyang isasara

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Bus terminals sa EDSA, tuluyang isasara
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), inaprubahan ng Metro Manila Council (MMC) ang resolusyon na nagbabawal na isyuhan ng business permits ang lahat ng public utility bus terminals at operators at iba pang pampublikong sasakyan na nasa kahabaan ng EDSA.
Cesar Ramirez

MANILA, Philippines — Bilang na ang araw ng mga terminal ng pampasaherong bus sa EDSA dahil sa napipintong pagkakansela ng kanilang mga business permits.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), inaprubahan ng Metro Manila Council (MMC) ang resolusyon na nagbabawal na isyuhan ng business permits ang lahat ng public utility bus terminals at operators at iba pang pampublikong sasakyan na nasa kahabaan ng EDSA.

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, ang ina­prubahang regulasyon ay ayon sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasara ang lahat ng bus terminals sa EDSA.

“Ang target natin ay tanggalin ang lahat ng bus terminals sa EDSA at i-relocate sila sa labas ng Metro Manila para mabawasan ang bigat ng daloy ng trapiko,” ani Lim.

Dagdag pa niya, maha­laga ang papel ng mga lokal na pamahalaan para sa pag-aalis ng mga  terminals dahil sila ang nagbibigay sa mga ito ng business permits na kailangan para makapag-operate.

Ani Lim, irerekomenda ng MMDA ang pagsasara ng bus terminals sa Abril sa koordinasyon sa Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB).

BUS TERMINALS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with