^

Metro

4 ‘Golden Triangle drug syndicate’ arestado

Mer Layson, Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
4 ‘Golden Triangle drug syndicate’ arestado
Kinilala ni PDEA Director Gen. Aaron Aquino ang mga suspek na sina Go Kie Kie, 40, Chua Kian Kok, 43, Emmanuel Pascual Yu, 79 at Yi Wu, 19, pawang mga Chinese national.

P1.1-B droga nasamsam

MANILA, Philippines — Apat na hinihinalang miyembro ng international drug syndicate na ‘Golden Triangle’ ang nadakip ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung saan nasamsam sa mga ito ang nasa 166 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng nasa P1.1 bilyon sa isinagawang operasyon sa Muntinlupa City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni PDEA Director Gen. Aaron Aquino ang mga suspek na sina Go Kie Kie, 40, Chua Kian Kok, 43, Emmanuel Pascual Yu, 79 at Yi Wu, 19, pawang mga Chinese national.

Ayon kay Irish Calaguas, Director III ng PDEA na siyang team leader ng operas­yon, dakong alas-5:00 ng hapon nang una silang magsagawa ng buy- bust operation sa parking lot ng isang mall sa Madrigal Avenue, Muntinlupa City, na nagresulta sa pagkakadakip sa tatlo sa mga suspect at nabawi mula sa kanila ang 43.5 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P295 milyon.

Ikinanta ng isa sa mga nadakip ang kanilang imbakan ng droga at ginagamit na laboratoryo kaya isinagawa ang ikalawang operasyon dakong alas-6:30 ng gabi sa 175 Apitong St., Ayala Alabang Village, na nagresulta ng pakakadakip kay Wu at nakumpiska ang 123 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng higit P1 bilyon.

Nakalagay ang mga droga sa magandang packaging na tea bags na isinilid  sa mga lata ng biskwit.

AARON AQUINO

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with