MANILA, Philippines — Pinapaaresto na ng korte sa lungsod ng Taguig ang dating business partner ni Kris Aquino na si Nicko Falcis dahil sa paggamit nito ng credit card sa ilalim ng kompanya ng aktres.
Ang warrant of arrest kontra kay Falcis ay inisyu ni Acting Presiding Judge Felix Reyes, ngTaguig City Regional Trial Court (RTC) Branch 70 dahil sa kasong paglabag sa Access Device Regulation Act of 1998.
Nasa P60,000 ang inirekomendang piyansa ng korte para sa pansamantalang paglaya nito.
Inatasan ng korte ang Quezon City Police District (QCPD)na isilbi angwarrant of arrest laban kay Falcis, dahil sa naturang lungsod ito nakatira at pagkatapos ay ilipat ito Taguig City Police.
Umaasa naman ang abogado ni Falcis na si Atty. Regi Ponferrada, na huwag munang maihain ang naturang warrant of arrest laban sa kanyang kliyente dahil may naka-pending silang Omnibus Motion saTaguig City Metropolitan Trial Court (MTC),Branch 117 at sa sala ni Judge Reyes.
Kamakailan lamang ay inirekomenda ng Taguig City Prosecutor’s na kasuhan ng estafa si Falcis matapos ibasura ang kasong qualified theft na isinampa sa kanya ng aktres.