Pagpapahusay pa sa mga programa ng kababaihan sa Quezon City, tiniyak ni Joy B

“As a leader, I stand with all the women in our city by promoting programs that support women’s rights and welfare. Maaasahan po ninyo ako, na ako ang unang titindig para sa mga programang kailangan ng kababaihan sa ating lungsod,” pahayag ni Belmonte sa kanyang mensahe sa ginanap na Quezon City Women Convention.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Nilagdaan kahapon ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang isang kasunduan sa pagitan ng QC Community Women Leaders’ Fe­deration na nagtatakda ng pakikiisa ng lokal na pamahalaan hinggil sa pagpapatupad ng mga programa para sa kababaihan ng lungsod.

“As a leader, I stand with all the women in our city by promoting programs that support women’s rights and welfare. Maaasahan po ninyo ako, na ako ang unang titindig para sa mga programang kailangan ng kababaihan sa ating lungsod,” pahayag ni Belmonte sa kanyang mensahe sa ginanap na Quezon City Women Convention.

Nangako si Belmonte na gagawin ang mga programang nakasaad sa ten-point agenda ng grupo kabilang ang district hospital na may specialty clinic para sa kababaihan, district colleges, at livelihood, training and showcase center para sa mga babaeng negosyante.

 “Sa lahat ng kapwa ko kababaihan, keep the faith and keep up the good work. Panatilihin natin ang pagiging kampiyon at ikalat pa natin sa ating kapwa ang ating adbokasiya hangga’t mayroong kababaihang inaapi, kababaihang hindi nabibigyan ng serbisyo, at hindi nabibigyan ng tugon ang kanilang suliranin. Karapatan natin lahat ‘yan kaya ipaglaban natin,” mensahe pa ni Belmonte sa naturang okasyon.

Ang QC government ay nag­hanay ng iba’t ibang programa para sa selebrasyon ng women’s month kabilang na ang libreng breast at cervical cancer screening at dance competition para sa kababaihan na may temang ‘We Make Change for Women.”

Show comments