Dalaw sa New Bilibid Prison, 6 pang bilangguan sa bansa sinuspinde
MANILA, Philippines — Ipinagbawal na kahapon ni Bureau of Corrections (BuCor) Director Nicanor Faeldon ang dalaw at iba pang pribelehiyo tulad ng recreational activities sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City at sa anim pang bilangguan sa bansa dahil sa hindi matigil-tigil na pagpasok ng kontrabando sa mga kulungan sa kabila nang mas mahigpit na seguridad na pinatutupad nila rito.
Bukod dito ay kinansela rin ang mga pribelehiyong tinatamasa ng mga preso tulad ng mga recreational activities tulad nang paglalaro ng basketball.
Nabatid, na mahigit sa 45,000 inmates ang nakakulong sa pitong colony sa buong bansa kabilang ang NBP.
Nadismaya si Faeldon dahil mayroon na aniya silang kasunduan ng mga lider ng mga preso, na makikipagtulu-ngan sila sa pagtuwid sa mga maling sistema sa kulungan pero mukhang hindi nasusunod.
Nabatid na ang pagkansela sa mga pribelehiyo sa mga inmates sa buong bansa ay kauna unahang nangyari sa mga kulungan na nasasakupan ng BuCor.
Inaasahan ng BuCor na maraming inmate at kamag-anak ang magagalit sa direktiba ni Faeldon, lalo na’t simula na naman ang araw ng dalaw.
Kasama rin sa dahilan ang napabalitang impormasyon ng PNP, na ang drug convict na si Rustico Igot, na nakakulong ngayon sa maximum security compound ng NBP ay patuloy aniya sa illegal drug transaction sa kanyang mga contact sa Cebu gamit ang internet, kung saan nakapag-video call pa aniya ito.
- Latest