Balik P10 minimum na pasahe sa jeep, inihirit

Dati nang P10 ang minimum na pasahe sa jeep noong nagdaang taon pero agad ibinaba ng LTFRB sa P9 ang pasahe dahil sa patuloy na pagbaba ng halaga ng petroleum products sa merkado.

MANILA, Philippines — Nagsampa na kahapon ng kanilang pe­tisyon sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ng taas pasahe sa passenger jeepney ang transport group na Allianced of Concerned Transport Organization.

Sa kanilang nai-sam­pang fare hike petition, hinihiling ng grupo na maibalik sa P10 ang minimum na pasahe sa jeep. Sa   nga­yon ay P9 ang mi-nimum fare sa jeep.

Dati nang P10 ang minimum na pasahe sa jeep noong nagdaang taon pero agad  ibinaba ng LTFRB sa P9 ang pasahe dahil sa patuloy na pagbaba ng halaga ng petroleum products sa merkado.

Pero nitong mga nagdaang araw, muli na namang sumirit ang halaga ng mga produktong petrolyo, kayat hinihiling ng ACTO na maibalik sa P10 ang minimum fare sa mga passenger jeepney.

Sa petisyon, sinabi ni Efren De Luna, National president ng ACTO, napapanahon na umano na maibalik sa P10 o dagdagan ng Piso ang kasalukuyang P9 minimum pasahe dahil sa muling nagkaroon ng sunud-sunod na pagtaas ng halaga ng petroleum products.

Sinabi ni De Luna, hindi na makayanan pa ng mga driver ang munting kita  sa araw araw dahil sa taas ng halaga ng gamit nilang krudo, bukod pa sa taas ng halaga ng maintenance fee at halaga ng mga spare parts ng mga sasak-yan at epekto ng ma-tinding traffic sa Metro Manila.

Binigyang diin naman ng LTFRB na dahil kaka-file lamang ng petisyon ay magtatakda sila ng araw upang isalang ito sa public hearing at ma­de­sisyonan agad ng LTFRB board.

Show comments