2 parak huli sa pagtoma sa pampublikong lugar

Ito’y sa kabila ng memorandum na inisyung babala ni PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde na pinagbawalan ang mga pulis na mag-inom sa mga bar , nightclubs at iba pang mga pampublikong lugar.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Dalawang pulis ang inaresto ng mga elemento ng PNP-Counter Intelligence Task Force (CITF) makaraang maaktuhang nag-iinuman sa isang canteen malapit lamang sa Gate 2 ng  PNP Headquarters sa Camp Crame, Quezon City, Lunes ng gabi.

Ito’y sa kabila ng memorandum na inisyung  babala ni PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde na pinagbawalan ang mga pulis na mag-inom sa mga bar , nightclubs at iba pang mga pampublikong lugar.

Kinilala ang mga nasakote na sina SPO1 Franklin Francisco Nariz, nakatalaga sa PNP Maritime Group sa PNP Headquarters sa Camp Crame at PO3 Tristan Bardon Callao, miyembro naman ng Headquarters Support Service (HSS) sa Camp Crame.

 Naaktuhan silang nag-iinom sa Korab’s Canteen sa Brgy. Socorro, Quezon City.

 Alinsunod din sa direktiba ng PNP Chief sinumang susuway sa kaniyang kautusan  na mahuling nag-iinom sa mga pampublikong lugar at nagsusugal sa mga gambling dens ay mahaharap sa  kasong grave misconduct  na may katapat na kaparusahang pagkakasibak  o pagkakadismis sa serbisyo.

Samantalang bago ang operasyon ay nakatanggap ng impormasyon ang PNP-CITF sa palaging pag-inom ng nasabing mga pulis. Ang dalawang pulis ay off duty at nakasibilyan nang maaktuhang nag-iinuman.

Show comments