^

Metro

Pekeng pari, arestado sa pagbabahay-bahay na bendisyon

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Pekeng pari, arestado sa  pagbabahay-bahay na bendisyon

MANILA, Philippines — Hindi alagad ng Simbahan kundi miyembro ng  ‘Sputnik gang ‘ ang dinakip ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) na 38-anyos na lalaki   nang ireklamo ng mga biktima sa pagpapanggap na pari,  habang nagbebendisyon ng mga imahe ng Santo  sa isang bahay, sa Tondo, Maynila, nitong Linggo.

 Sinabi ni MPD-Station 1 commander, Supt. Reynaldo Magdaluyo, alas- 3:50 ng hapon, kamakalawa nang arestuhin ng kaniyang mga tauhan ang suspek  na si Marlon Ponterez, residente ng Brgy. Bangas, Lauan, Laguna,  na nakasuot pa ng kulay puting abito, may dalang plastic na botelya na naglalaman umano ng holy water at Bibliya,  sa isang bahay sa Happyland,  Brgy.105, Tondo, Maynila .

Sinamsam ng mga awtoridad ang hawak na Bibliya at holy water umano na kinuha pa sa Bundok Banahaw at ang Bibliya na may mga nakaipit na perang tig P100 at P20 bills.

Nagbabahay-bahay umano ang suspek habang nakasuot ng abito at nag-aalok na magbebendisyon sa mga imahe ng mga Santo, kasama ang dalawang babaeng kaanak.

 Nakumbinsi naman ang ilan dahil nagkataong Pista ng Santo Bakhita sa kanilang lugar subalit nagduda umano nang mapansin na iniipit sa mismong Bibliya ang mga perang nakokolekta, na hindi umano normal na gawain ng isang lehitimong pari.

 Aminado rin ang suspek na ginagawa niya ang pagbabasbas sa mga Santo sa mga karatig lugar ng Laguna.

 Bukod sa hindi naman dumaan sa anumang proseso at training bilang pari, nakitaan pa ng mga tattoo na ‘Sputnik Gang ‘at sa beripikasyon ay dating nakasuhan at nakulong sa kasong carnapping.

Nakatakdang ipagharap sa Manila Pro­secutor’s Office si Ponterez ng paglabag sa kasong Estafa, Grave Coercion at Usurpation of Authority.

MANILA POLICE DISTRICT

SPUTNIK GANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with