MANILA, Philippines — Nasa 10 ang sugatan matapos magsalpukan ang isang pampasaherong bus at jeep sa kanto ng Timog Ave. at EDSA sa Quezon City, kahapon ng umaga.
Pawang nalapatan na ng lunas ang mga ‘di na pinangalanang biktima habang ang iba naman ay pinayagan na ring makau-wi sa kani-kanilang tahanan at makapasok sa trabaho.
Batay sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), naganap ang insidente pasado alas-6:25 ng umaga sa EDSA, kanto ng Timog Avenue.
Bumibiyahe ang jeep sa EDSA mula Fairview at patungo sanang Timog Avenue, nang biglang mapahinto sa gitna ng kalsada matapos maabutan ng stoplight.
Nabangga ng kasunod na bus na bumabagtas rin sa EDSA ang napahintong jeep sanhi upang mabuwal ito.
Nasira ang jeepney kaya’t tumapon sa kalsada ang langis nito habang nasugatan rin ang mga sakay nito, kabilang ang isang magtataho na nagtamo ng first degree burn nang matapunan ng taho sa kanyang dibdib.
Kaagad namang rumesponde ang mga otoridad at isinugod ang mga nasu-gatan sa East Avenue Me-dical Center at tinabunan ng kusot ang natapong langis sa kalsada.
Nagdulot naman ng pagsisikip ng daloy ng trapiko ang naturang aksidente.