^

Metro

Salpukan ng bus at jeep sa EDSA, 10 sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Salpukan ng bus at jeep sa EDSA, 10 sugatan
Nasa larawan ang pampasaherong jeep na tumagilid matapos salpukin ng bus sa kanto ng Timog Ave. at EDSA sa Quezon City kahapon ng umaga kung saan 10 katao ang nasugatan.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nasa 10 ang sugatan matapos magsalpukan ang isang pampasaherong bus at jeep sa kanto ng Timog Ave. at EDSA sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Pawang nalapatan na ng lunas ang mga ‘di na pinangalanang biktima habang ang iba naman ay pinayagan na ring makau-wi sa kani-kanilang tahanan at makapasok sa trabaho.

Batay sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), naganap ang insidente pasado alas-6:25 ng umaga sa EDSA, kanto ng Timog Avenue.

Bumibiyahe ang jeep sa EDSA mula Fairview at patungo sanang Timog Avenue, nang biglang ma­pahinto sa gitna ng kalsada matapos maabutan ng stoplight.

Nabangga ng kasunod na bus na bumabagtas rin sa EDSA ang napahintong jeep sanhi upang mabuwal ito.

Nasira ang jeepney kaya’t tumapon sa kalsada ang langis nito habang nasugatan rin ang mga sakay nito, kabilang ang isang magtataho na nagtamo ng first degree burn nang matapunan ng taho sa kanyang dibdib.

Kaagad namang rumes­ponde ang mga otoridad at isinugod ang mga nasu-gatan sa East Avenue Me-dical Center at tinabunan ng kusot ang natapong langis sa kalsada.

Nagdulot naman ng  pagsisikip ng daloy ng trapiko ang naturang aksidente.

JEEP ACCIDENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with