MRT-3 nakatanggap ng bomb threat
Kaya nagpatupad ng mas mahigpit na seguridad
MANILA, Philippines — Ibinulgar kahapon ng management ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) na nakatanggap ito ng bomb threat sa e-mail noong nakalipas na buwan kaya pinaigting ang seguridad sa lahat ng istasyon ng tren para sa kaligtasan ng daang-libong commuters.
Enero 27 matapos ang kambal na pagpapasabog sa Jolo Cathedral sa Sulu na ikinasawi ng 23 katao at ikinasugat pa ng marami ay agad na ipinatupad ng MRT 3 ang pagbabawal sa mga bottled water at iba pang likidong bagay sa lahat ng mga istasyon ng tren bilang bahagi ng pag-iingat.
“These guidelines are based on the latest bom-bing incident in southern Philippines, as well as intelligence reports that are coming in. Given these, we cannot let alone the safety & security of our riders,” ayon pa sa MRT Management.
“It has been proven that an attack in a railway system is highly possible, and we do not want a repeat of the unfortunate incident on Dec. 30, 2000 (Rizal Day Bom-bings) where a number of our people died and suffered.Please join us in this fight against terrorism,” dagdag pa sa MRT statement.
Ayon sa MRT 3, natanggap nila ang nasabing e-mail noon pang Enero 3 kaya agad na nakipagkoordinasyon sa mga awtoridad partikular na sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) upang matukoy kung sino ang sender nang mapanakot na e-mail na ipinadala sa kanilang tanggapan.
Samantalang kahalintulad namang paghihigpit ang ipinatupad sa lahat ng istasyon ng Light Rail Transit (LRT).
“That’s one reason kung bakit po kami naghihigpit ng seguridad following recent attacks in Mindanao. We just wanted to be cautious, since we have thousands of passengers daily,” anang MRT 3 Management.
Nilinaw naman ni Mi-chael Capati, Operations Manager ng MRT 3 na maaari pa ring madala sa loob ng tren ang ilang likidong items tulad ng gatas ng feeding bottle na may lamang gatas at iba pa na gamit ng mga maysakit basta inaprubahan ito ng security personnels at mga pulis na naka-standby sa bawat istasyon ng tren.
Samantalang kapag nagbigay na ng abiso ang PNP sa railway lines ay maaaring ibalik na sa normal ang security protocols.
- Latest