Justice Jose Abad Santos Hospital, palalakihin
MANILA, Philippines — Umaabot sa mahigit P47 milyong halaga ang gugugulin sa pagpapalawak sa Justice Jose Abad Santos Hospital upang maserbisyuhan ang mga mahihirap na residente sa Lungsod ng Maynila.
Pinangunahan mismo nina Manila Mayor Joseph Estrada at Manila 3rd District Congresman Yul Servo Nieto ang ground breaking ceremony sa nasabing ospital na popondohan ng DOH na ipatutupad naman ng tanggapan ng North Manila District Engineering Office.
Ayon kay Estrada, tuluy-tuloy ang serbisyo sa Manilenyo lalo na sa medikal. Hindi aniya dapat na balewalain ang mga karamdaman dahil ito ang puhunan ng bawat Pilipino.
Libre lahat ang gamot at pagpapagamot kaya hindi dapat na mangamba ang mga pasyente. Maaaring dumulog sa kanyang tanggapan kung tatanggi ang mga ospital na i-admit ang pasyente.
Napag-alaman naman kay Servo na anim hanggang pitong palapag ang extension ng nasabing ospital upang ma-accommodate ang mas maraming pasyente at nangangailangan ng medical services.
- Latest