MANILA, Philippines — Naipasa na ng City Council of Manila ang P14.8 bilyon na budget ng Manila City hall.
Ito ang lumitaw sa ginawang session ng konseho noong Huwebes matapos na kumpirmahin ng Manila 3rd District Councilor Grace Chua, chairman ng Committee on appropriations.
Ayon kay Chua, pasado na ‘in principle’ ang budget kung saan kasama dito ang 4th tranche ng mga empleyado.
Nabatid na nagsagawa ng marathon hearing ang komite ni Chua upang maaprubahan ang budget na inilatag at maipamahagi na sa mga empleyado.
Sinabi ni Chua na pasado na lahat ang budget ng bawat departamento maliban sa Manila Traffic and Parking Bureau.