^

Metro

Pagbasa ng hatol sa miyembro ng ‘Sinaloa drug cartel,’ ipinagpaliban

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Pagbasa ng hatol sa miyembro ng âSinaloa drug cartel,â ipinagpaliban
Matatandaan, na noong Enero 11, 2015 nang maaresto ang akusado sa isang buy-bust operation na isinagawa nang pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at PNP AIDSOFT sa isang hotel sa Makati City.
File Photo

MANILA, Philippines — Ipinagpaliban muna kahapon  ng korte  ang pagbasa ng hatol laban sa isang Mexican national, na miyembro ng isang drug syndicate na nakuhanan  ng nasa 2.5 kilong cocaine, na nagkakahalaga ng P12 million sa Makati City.

Dapat sana’y kahapon ng umaga  babasahan ng hatol ni  Makati City Regional Trial Court (RTC), Branch 63 Judge Selma Palacio Alaras  ang akusadong si Horacio Herrera, na kasapi umano ng ‘Mexican’ Sinaloa drug cartel’ pero naudlot ito kasabay nang pahayag  ng  isa sa  staff  judge na  pag-aaralan pa muna nang husto ang kaso.

Bukod dito, hindi dumating ang abogado ng akusado, na isa sa mga nakikita ring dahilan kung bakit ipinagpaliban  muna ang pagbasa sa hatol nito. Sa Pebrero 13, muling itinakda ng korte ang pagbasa ng hatol sa naturang dayuhan.

Matatandaan, na noong Enero 11, 2015 nang maaresto ang akusado sa isang buy-bust operation na isinagawa nang pinagsanib na pwersa ng Philippine  Drug Enforcement Agency (PDEA) at PNP AIDSOFT sa isang hotel sa Makati City.

Nakumpiska  sa akusado ang nasa  2.5 kilong cocaine, na nagkakahalaga ng P12  million. Itinanggi naman  ng akusado na sa kanya ang nasamsam na mga droga.

Ang ‘Mexican Sinaloa drug cartel’, ay sinasabing maimpluwensiyang drug syndicate na nag-ooperate  sa America, West Africa, Australia, Europa, at Southeast Asia kasama na ang Pilipinas.

SINALOA DRUG CARTEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with