^

Metro

Manila traffic enforcer, huli sa pangongotong

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Manila traffic enforcer, huli sa pangongotong
Kinilala ni PNP-CITF Commander P/Sr. Supt. Romeo Caramat Jr., ang nasakoteng suspek na si Mark Bien Ureta, team leader ng Manila Traffic and Parking Bureau.
File Photo

MANILA, Philippines — Naaresto ng pinagsanib na  elemento ng PNP-Counter Intelligence Task Force (CITF) at PNP-Intelligence Group (IG) ang isang traffic enforcer na inireklamo ng pangongotong  sa isinagawang entrapment operation  sa lungsod ng Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PNP-CITF Commander P/Sr. Supt. Romeo Caramat Jr., ang nasakoteng suspek na si Mark Bien Ureta, team leader ng Manila Traffic and Parking Bureau.

Bandang alas-6:10 ng gabi, ayon kay Caramat nang arestuhin ang suspect sa kahabaan ng Natividad Lopez Street sa harapan ng city hall ng nasabing lungsod.

Ang suspect ay inaresto sa aktong tumatanggap ng P6,000 mula sa nagrereklamong si Ronald Guazon, fruit/vegetable truck dealer/driver, residente ng Brgy. Palestina, San Jose City, Nueva Ecija.

Sa salaysay ni Guazon, kinokotongan umano siya ng suspect ng P 6,000 bilang protection money upang hindi arestuhin kapag nagde-deliver ng mga produkto nito sa lungsod ng Maynila at bukod dito ay kumukuha pa sa kaniyang mga panindang gulay at prutas. Agad namang nagsuplong si Guazon sa PNP-CITF at nang ma-kumpirmang positibo ang ulat ay agad nagsagawa ng entrapment operation na nagresulta sa pagkakaa-resto sa suspect.

Samantala, pinakakasuhan ni Manila Mayor Joseph Estrada ang volunteer enforcer ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na inaresto ng PNP-Counter Intelligence Task Force dahil sa pangongotong.

Nagpupuyos sa galit si Estrada at nais nitong mabulok sa kulungan ang nadakip na si  Ureta.

Sinabi ni Estrada na walang puwang sa MTPB ang mga iskalawag na ginagamit ang posisyon para manggipit ng mga mahihirap.

Kaugnay nito, inatasan ni Mayor Estrada si MTPB Chief Dennis Alcoreza na mag-imbentaryo ng kanyang mga enforcers at tiyaking wala nang  abusadong volunteer sa bureau. (Doris Franche )

MANILA TRAFFIC ENFORCER ARRESTED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with