MANILA, Philippines — Tatlong establisimiyento na malapit sa Manila Bay ang ipinasara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Ang kautusan ay inilabas ng DENR bilang hudyat ng pagsisimula ng rehabilitation sa nasabing lawa na umano’y polluted na.
Kabilang sa mga ipinasara ang Aristocrat Restaurant na nasa kahabaan ng Roxas Boulevard, Gloria Maris Restaurant malapit sa Folk Arts Theater, at isang water treatment faci-lities ng The Esplanade sa Pasay City.
Ito’y matapos madiskubre na may mga paglabag ang tatlong establisimiyento dahil sa nakita na diretso ang paglabas ng untreated waste water sa Manila Bay.
Mismong si DENR Secretary Roy Cimatu ang nanguna sa paghahain ng notice of violations at Cease and Desist Order (CDO) sa naturang business establishments.
Ayon kay Laguna Lake Development Authority (LLDA) General Manager Jaime Median, pinutol na nila ang water source ng mga nasabing establisimi-yento upang hindi na maka-pollute pa sa Manila Bay.
Kahapon nagsimula na ang malawakang rehabilitasyon ng Manila Bay na sasailalim sa “Hercuelan Task” sa pangunguna ng DENR.
Bago ang kautusan ay inilunsad ng DENR ang Manila Bay rehabilitation program sa pamamagitan ng isang solidarity walk na dinaluhan ng may 5,000 katao.
Binigyan diin naman ni DPWH Sec. Mark Villar, na naglaan ang ahensiya ng trash schemer, na kauna-unahang gagamitin sa kaysaysayan ng bansa bukod pa sa gagamiting heavy equipment para sa clean-up.
Samantala, all out support naman si Manila Mayor Joseph Estrada kina Pa-ngulong Rodrigo Duterte at Cimatu sa kampanyang malinis ang Manila Bay at pabor itong parusahan ang mga violators sa pagtatapon ng mga basura sa Manila Bay.
Ayon kay Estrada, matagal nang dapat isinailalim sa rehabilitasyon ang Manila Bay na isa sa mga pangunahing pasyalan ng publiko upang makita ang pagsikat at paglubog ng araw.