^

Metro

Manila Zoo, ipinasara ni Erap

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Manila Zoo, ipinasara ni Erap
Una nang tinukoy ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu ang Manila Zoo na isa sa mga pangunahing nagtatapon ng maruming tubig sa Manila Bay.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Bilang suporta sa rehabilitasyon ng Manila Bay, ipinasara na  pansamantala ni Manila Mayor Joseph Estrada ang Manila Zoo.

Una nang tinukoy ni   Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu ang Manila Zoo na isa sa mga pangunahing nagtatapon ng maruming tubig sa Manila Bay.

Batay sa memorandum na inilabas ni Estrada, inatasan nito sina City Administrator Atty. Ericson Alcovendaz, Department of  Engineering and Public Services City Engineer Rogelio Legaspi, Department of Public Services  head Lilybelle Borromeo, Task Force Manila Clean chief Rafael Borromeo at  Atty. Jasyrr Garcia administrator ng Manila na agad na isailalim  ang  rehabilitasyon ng  nasabing zoo.

Kasabay nito, sinabi ni Estrada na ipagagawa na rin nila ang  waste treatment facility upang maiwasang  makaapekto sa  tubig sa  Manila Bay at iba pang  baybaying dagat.

Ayon kay Estrada, hindi na maaaring patagalin ang  rehabilitasyon ng  Manila Zoo lalo pa’t marami na ring depektibo at hindi na maayos ang  pasilidad.

Dagdag pa ni Estrada, pansamantala lamang ang closure upang mas ma­ging maayos  at maaliwalas ang  pamamasyal sa loob ng  Manila Zoo sa sandaling maisaayos ito. 

JOSEPH ESTRADA

MANILA ZOO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with