P79-M mga armas, modernong kagamitan, ipinamahagi ng PDEA

Ang distribusyon ay pinangunahan ni PDEA Director General Aaron Aquino na sinabing sa pamamagitan ng mga ma­kabagong armas at mga protective equipments ay makakatulong ng malaki upang mapagtagumpayan ang giyera kontra droga.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Umaabot sa P79 mil­yong halaga ng mga armas at mga protective equipments ang ipinamahagi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga units nito na naglalayong mapalakas pa ang anti-drug campaign ng pamahalaan.

Ang distribusyon ay pinangunahan ni PDEA Director General Aaron Aquino na sinabing sa pamamagitan ng mga ma­kabagong armas at mga protective equipments ay makakatulong ng malaki upang mapagtagumpayan ang giyera kontra droga.

Kabilang naman sa mga ipinamahaging kagamitan ay cal. 45 pistol, bullet proof sando vests at tactical protective shield.

Nabatid na nasa 838 units ng bullet proof sando type vest Level IIIA na nagkakahalaga ng P50, 280,000.00; 20 units ng tactical protective/ ballistic shield na aabot sa P13,967,680.00 ang ipinamahagi.

Samantalang ang mga armas ay nasa 479 units ng cal 45 pistol na nagkakaha­laga ng P 15,350,992.00  na moderno ang teknolohiya.

Matatandaan na ina­min ng opisyal na malala ang problema sa droga at kailangan ng mga modernong armas at protective equipment dahilan mapa­nganib ang sumabak sa pakikipaglaban sa sindikato ng droga.

Show comments