MRT-3 muling nagkaaberya, mahigit 700 pasahero pinababa
MANILA, Philippines — Nagkaaberya na naman ang isang tren ng Metro Rail Transit (MRT) matapos itong bahagyang umusok sa bahagi ng Boni Station sa Mandaluyong City nitong Biyernes ng hapon.
Sa pahayag ng MRT Management, ang insidente ay sanhi ng electrical failure sa motor ng tren at pagkasunog ng ilang electrical sub components tulad ng main chopper, regulator at insulator nito.
Bandang ala-1:20 ng hapon nang magkaaberya ang isang tren ng MRT na naging dahilan upang pababain ang tinatayang mahigit sa 700 pasahero para sa kanilang kaligtasan.
Kasalukuyan nang nasa depot ng MRT sa Quezon City ang nagkaaberyang tren para makumpuni.
Kaugnay nito, humingi naman ng paumanhin sa mga commuters ng tren ang MRT Management matapos na muling maibalik ang normal na operasyon ng kanilang mga tren.
- Latest