Baril sa Constantino slay, hawak na ng PNP
Narekober sa basement ng bowling center
MANILA, Philippines — Narekober na ng mga awtoridad ang baril na sinasabing ginamit sa pagpatay sa gold meda-list bowler na si Angelo Nathaniel Constantino, sa loob ng bowling center sa Greenhills, San Juan City noong Biyernes ng hapon.
Ayon kay San Juan City Police chief, P/Senior Supt. Dindo Reyes, pinuno ng binuong ‘Special Investigation Task Group (SITG)-Constantino’ hawak na nila ang isang kalibre 45 baril na hindi rehistrado na sinasabing ginamit na pagpatay kay Constantino.
Sinabi ni Reyes, nakuha nila ang baril sa basement entrance ng E-Lanes Bow-ling Center kung saan pumasok at lumabas ang suspek noong patayin niya ang biktima.
Hindi pa matiyak kung sadyang iniwan ng suspek ang baril o nataranta ito kaya niya naiwanan noong siya ay tumakas sakay ng naghihintay na kulay dilaw na scooter.
Ipinadala na sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang nasabing baril para sa kaukulang ballistic examination.
Sinabi naman ni EPD Director P/Chief Supt. Ber-nabe Balba, kasalukuyang ng isinasailalim sa ‘verification’ sa Firearms and Explosives Office ng Philippine National Police ang nasabing baril.
Sa inisyal na imbestigasyon lumilitaw na ‘hired killer’ ang bumaril at puma-tay sa gold medalist bowler sa loob ng bowling center.
May lead ng tinututukan ang SITG sa naganap na krimen upang ito ay maresolba pero tumangging ihayag ang detalye upang hindi ‘masunog’ ang kanilang ginagawang follow-up operation’.
Naniniwala si Reyes na malapit na nilang malutas ang kaso dahil sa mga ebidensiya na hawak na nila, kabilang na ang CCTV footages at bagong deve-lopment sa ginagawa nilang puspusang investigation.
Matatandaan na noong Biyernes ng alas-5:00 ng hapon ay nagmemeryenda ang biktima sa Bill and Bo Bistro, na matatagpuan sa tabi lamang ng pinamamahalaan niyang bowling center, nang bigla na lang siyang lapitan ng suspek, na nagpanggap na kostumer at kaagad na pinagbabaril sa ulo bago tumakas.
Nagpaputok pa sa ere ang suspek upang takutin ang mga tao sa loob ng establisimento bago tumakas sakay ng motorsiklo, na minamaneho ng ‘di kilalang kasabwat nito.
Si Constantino, na miyembro ng RP national team, ay kilala sa pagkapanalo ng dalawang gintong medalya sa nilahukang 1992 World Youth bowling championships sa Cara-cas, Venezuela.
- Latest