^

Metro

Sunog sa Maynila: 75 pamilya naapektuhan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Sunog sa Maynila: 75 pamilya naapektuhan
Nagtulung-tulong ang mga residente na apulahin sa pamamagitan ng timba ng tubig ang sunog na naganap sa Tondo, Manila.
(Kuha ni Edd Gumban)

MANILA, Philippines — Mahigit  75 pamilya ang naapektuhan  ng magkasunod na sunog na naganap sa Port Area at Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

 Unang sumiklab ang sunog sa residential  area sa Yuseco St., Brgy. 221, Zone 21 sa Tondo, dakong alas- 7:45 ng umaga na tumagal lamang ng isang oras dahil sa maagap na pagresponde ng mga bumbero.

Nasa pitong bahay lamang ang natupok na tinitirhan ng 15 pamilya. Mas marami naman ang naapektuhan ng sunog na nagsimula alas-11:00 ng umaga kahapon sa Aplaya, Baseco Compound, Brgy. 649, Zone 68 sa Port Area. Ayon kay  Superintendent Jonas Silvano ng Bureau of Fire Protection (BFP), inaalam pa ang sanhi ng sunog sa may 20 kabahayan.

Inaalam pa rin kung magkanong halaga ng mga ari-arian ang natupok.

FIRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with