^

Metro

Proper waste disposal, pinatututukan sa Maynila

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Proper waste disposal, pinatututukan sa Maynila
Magsasagawa rin ng imbentaryo sa mga gusali na pag-aari ng city government para sa lalong mada-ling panahon ay magawan ng mga tamang waste dis­posal ang mga ito bago pa magsimula ang rehabilitas­yon ng Manila Bay.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Pinatututukan ni Manila Mayor Joseph Estrada kay City Administrator Ericson Alcovendaz ang maayos na waste disposal ng mga istrakturang pag-aari ng local na pamahalaan kasunod ng plano ng national government na isagawa ang major rehabilitation ng Manila Bay. Partikular na pinatututukan ni Mayor Estrada ang Manila Zoo na kabilang sa nabanggit ng DENR na walang maayos na waste disposal system upang matiyak na makakatutugon ito sa Environmental Code Ordinance 8371 na naipasa ng konseho sa ilalim ng kanyang termino.

Magsasagawa rin ng imbentaryo sa mga gusali na pag-aari ng city government para sa lalong mada-ling panahon ay magawan ng mga tamang waste dis­posal ang mga ito bago pa magsimula ang rehabilitas­yon ng Manila Bay.

Aniya, dinatnan na  niya ang sitwasyon ng Manila Zoo kaya’t ginagawan ito ng paraang maayos.

Ito rin aniya ang layunin ng Enviromental Code Ordinance para nga masolusyunan ang mga proble­mang sumisira sa ating kalikasan.

Tiniyak ni Estrada na suportado niya ang proyektong rehabilitasyon ni Pa­ngulong Duterte kaya’t ngayon pa  lamang ay pinaiinspeksiyon na rin niya ang  iba pang city owned premi-ses na posibleng direktang nagtatapos sa  Manila Bay.

JOSEPH ESTRADA

WASTE DISPOSAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with