P1-M shabu nasamsam

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Navotas City Police Station sa ikinasang buy-bust operation,  ngunit nagawang makatakas ng tatlong suspek na ‘tulak’, kamakalawa ng gabi sa naturang lungsod.

Sa ulat, alas-10 ng gabi nang magkasa ng buy-bust operation ang Station Drug Enforcement Unit sa may Road 10 sa Brgy. North Bay Boulevard North, at nakipagtransaksyon ang isang nagpanggap na buyer sa mga suspek na sina Brian Sigua, alyas Utoy; isang alyas Prince at isa pa nilang hindi nakilalang kasamahan. Matapos iabot ng mga suspek ang isang plastic sachet ng shabu sa pulis na buyer, may bigla na lamang sumigaw na nagsabing  “Pulis yan! Pulis yan!” na naging dahilan upang magtakbuhan sa magkahiwalay na direksyon ang mga suspect.

Narekober naman ng mga operatiba ang sling bag ni Sigua na nahablot ng pulis na naglalaman ng 13 malalaking plastic sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng may isang milyong piso.

Show comments