57 motorista nasampolan sa mataas na multa

Kahapon ang unang araw nang pagpapatupad ng MMDA para sa mataas na multa sa mga traffic violation tulad ng anti-illegal parking, yellow lane at iba’t ibang uri ng traffic obstructions.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Nasa 57 motorista na lumabag sa anti-illegal parking ang nasampolan ng Metropolitan Manila Deve-lopment Authority (MMDA) sa unang araw nang pagpapatupad ng mataas na multa sa  traffic violation.

Simula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga ay nagsagawa ng anti-illegal parking operation ang mga tauhan ng MMDA sa area ng FB Harrison, Taft Avenue, Buendia, Quirino Highway, Parañaque, Roxas Boulevard hanggang TM  Kalaw at Baclaran.

Dito ay naabutan ng mga tauhan ng MMDA ang sasak-yang naka-illegal parking sa nabanggit na mga lugar.

Kahapon ang unang araw nang pagpapatupad ng MMDA para sa mataas na multa sa mga traffic violation tulad ng anti-illegal parking, yellow lane at iba’t ibang uri ng traffic  obstructions.

Napag-alaman na P1,000.00 ang multa para sa  attended illegal parking at sa unattended illegal parking ay P2,000. Isanglibo  rin sa mga lumabag sa traffic obstruction at ignoring  traffic sings.

Gayundin P1,000 din ang multa para sa lumabag naman sa yellow lane sa EDSA.

Samantala, ayon naman sa tagapagsalita ng MMDA na si Celine Pialago, posible namang  matiketan ng hanggang dalawang beses sa loob ng tatlong oras ang mga pasaway na mga motorista.

Sinabi nito, na kapag may nahuli silang sasakyan na ilegal na nakaparada at wala ang driver nito ay bubusinang muli ang MMDA ng tatlong beses.

Makalipas ang isang minuto ay bubusinang muli ang MMDA ng tatlong beses at kung hindi pa rin lumabas ang driver ay mag-iisyu nalang sila ng violation ticket.

“Maliit lang po ang multa kaya hindi ito magiging mabigat sa mga drivers pero kapag paulit ulit na po maisyuhan ng ticket d’yan na po nila mararamdam na mabigat ang fine dahil maiipon ‘yun at talagang malaki ang amount, d’yan lang po mari-realized ng mga violators ang mabigat na penalty,” wika ni Pialago.

Nabatid pa kay Pialago na hindi  muna ito-tow ang mga sasakyan na nakabalandra sa kalsada puwera na lamang kung ito ay nakaharang sa babaan ng mga footbridge, intersection o curve lane.

Ayon kay Pialago magsa­sagawa sila ng towing kapag ikatlong beses nang nasita ang driver para sa illegal parking.

Show comments