ASG leader Janjalani, 1 pa guilty sa kidnapping

Sa 391 pahinang desis­yon ni Pasig RTC Branch 261, Judge Florian Grego­ry Abalajon, nabatid na si Hector Janjalani, na kapa­tid ng nasawing ASG leader na si Khada­fy Khaddafy, ay napatu­na­­yang nagka­sala nang walang pag-a­alinlangan sa 18 kaso ng kidnapping at serious illegal detention, kaya’t hinatulan siya ng parusang reclusion perpetua o 40-taong pagkaka­bilanggo nang walang posibilidad na mabigyan ng parole.
File Photo

MANILA, Philippines — Guilty ang naging hatol kahapon ng Pasig Regional Trial Court sa lider ng Abu Sayyaf Group (ASG) at isa pa, kaugnay sa kasong pangingidnap sa may 52 guro at mga estudyante sa Basilan, noong Marso 20, 2000.

Sa 391 pahinang desis­yon ni Pasig RTC Branch 261, Judge Florian Grego­ry Abalajon, nabatid na  si Hector Janjalani, na kapa­tid ng nasawing ASG leader na si Khada­fy Khaddafy, ay napatu­na­­yang nagka­sala nang walang pag-a­alinlangan sa 18 kaso ng kidnapping at serious illegal detention, kaya’t hinatulan siya ng parusang reclusion perpetua  o 40-taong pagkaka­bilanggo nang walang posibilidad na mabigyan ng parole.

Samantala ang kanyang kapwa akusado sa kaso na si Daud Baru, alyas Dad Daim, ay hina­tulang ma­bilanggo sa 52 bilang ng kasong kidnapping at serious illegal detention.

Ang hatol laban kina  Hector at Baru ay inilabas ng hukuman, ilang linggo la­mang matapos na hatulan ding guilty sa naturang kaso ang may 66 pang lider at miyembro ng ASG.

Kasama ng iba pang convict, ang dalawa ay inatasan din ng korte na magbayad sa kanilang mga biktima ng tig-P180,000 bilang danyos.

Samantala, ang isa pang akusado sa kaso na si Ab-dulazan Diamla, na may alyas na Abdul Has­san Yacob Djamla, ay napawalang-sala sa mga kaso, dahil sa kakulangan ng sapat na ebi­densiya, para idiin siya sa kaso. 

Nabatid na si Hector ay kasalukuyang nakaditine sa Camp Bagong Diwa, Taguig. 

Show comments