^

Metro

Listahan ng mga bawal at hindi bawal na paputok, inilabas ng DILG

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Listahan ng mga bawal at hindi bawal  na paputok, inilabas ng DILG
Ayon sa DILG, ang mga paputok na bawal gamitin ay ang Watusi, Picolo, Super lolo, Atomic Triangle, Large Judas Belt, Large Bawang, Pillbox, Boga, Goodbye Philippines, Bin Laden, Mother Rocket, Lolo Thunder, Coke-in-can, Atomic Bomb, Five Star, Pla-pla, Giant Whistle Bomb at Kabasi.
Jun Elias

MANILA, Philippines — Upang maging gabay ng publiko kaya inilabas ng pamunuan ng Department of Interior and Local Government Unit (DILG) ang mga bawal at hindi bawal na papu­tok na maaaring gamitin sa pagsalubong sa  Taong 2019.

Ayon sa DILG, ang mga paputok na bawal gamitin ay ang Watusi, Picolo, Super lolo,  Atomic Triangle, Large Judas Belt, Large Bawang, Pillbox, Boga,  Goodbye Philippines, Bin Laden, Mother Rocket, Lolo Thunder, Coke-in-can, Atomic Bomb, Five Star, Pla-pla, Giant Whistle Bomb at Kabasi.

Samantalang hindi naman ipagbabawal ang mga paputok na Baby Rocket, Kuwitis, Paper Caps, Pulling of Stringers at Small Triangulo, subalit ito ay dapat gamitin  sa inilaang ‘firecracker zones’ sa kanilang lugar.

Ang Butterfly, Fountain, Jumbo, regular at special Luces, Mabuhay,  Roman Candles, Sparklers, Trompillo at Whistle Device ay pwede namang gamitin at sindihan kahit wala sa firecracker zones, gayunman kailangan umano ang pag-iingat upang maiwasan ang sunog.

Ang DILG ay magpapakalat ng law enforcers at ang mga mahuhuling gumagamit ng ipinagbabawal na paputok ay pagmumultahin ng P30,000 at papatawan nang pagkabilanggo ng mula  anim na buwan hanggang isang taon.

Pinayuhan din ang mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak at huwag hayaan na magpaputok at mamulot ng mga papu­tok upang maiwasan ang anumang aksidente. At kung maari ay huwag na lamang bumili ng mga paputok at sa halip ay gumamit na lamang ng maiingay na bagay gaya ng torotot o mga takip ng kaldero para salubungin ang Bagong Taon.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with