Motorista ililibre ng SMC South Tollways

MANILA, Philippines — Tulad sa nakalipas na maraming taon, hindi maniningil ng ‘toll’ mula alas-10 ng gabi ng Disyembre 24 hanggang alas-6 ng umaga kinabuka­san (Disyembre 25); at sa ika-10 ng gabi ng Disyembre 31 hanggang ika-6 ng uma­ga Enero 1, 2019 ang San Miguel Corp. South Tollways. 

Kabilang dito ang NAIA Expressway (NAIAx), Skyway System, South Luzon Expressway (SLEX) at Star Tollway sa mga nasabing oras.  

Ito’y bilang pasasalamat ng Skyway O&M Corp (SOMCO), Manila Toll Expressway Systems, Inc. (MATES), and Star Tollway Corp. (STC), sa mga motoristang tumatangkilik ng SMC South Tollways, kasabay ng pagbati nila ng Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon.

Upang maiwasan ang anumang antala sa daan, pinapayuhan ng mga tagapamahala ng South Tollways ang mga daragsang moto­rista na planuhing maaga ang kanilang biyahe, tiyaking maayos ang kondisyon ng kanilang sasakyan, maging alerto at maingat sa pagmamaneho at sumunod sa batas trapiko.

Sa Skyway, NAIAx, SLEX and Star Tollway, inaasahang titindi ang trapiko simula kahapon Disyembre 21 (Bi-yernes) para sa Pasko at Disyembre 28 (Biyernes) para sa Bagong Taon,  gayun din sa Enero 1 at  2, 2019 (Miyerkules) dahil sa mga biyaherong pabalik sa kani-kanilang destinasyon.  

Para sa mabilis at maginhawang pagpasok at paglabas ng tollways, ang mga motorista ay pinapayuhang maghanda ng exact toll; o higit ng mabu-ting gumamit ng RFID.

Para sa kinakailangang tulong at traffic update, tumawag lamang sa SMC South Tollways Hotline (02) 318-8655. “30”.

Show comments