MANILA, Philippines — “Dinukot, tinorture bago pinatay ang aking personal aide na si Richard Santillan.”
Ito ang iginiit at bi-nigyang-diin ni Atty. Glenn Chong sa kanyang pagdalo sa Balitaan sa Maynila kahapon at hindi umano ambush ang pagpatay kay Santillan kundi scripted batay na rin sa mga tama nito sa katawan.
Nabatid na si Santillan ay nagtamo ng 10 tama ng bala ng baril sa katawan bukod pa sa mga hita nito at tinanggal din ang kuko sa paa na indikasyon na pina-hirapan ito.
Kaya’t maghahain ng habeas petition si Chong laban kina PNP Region 4A Director Chief Supt. Edward Carranza at Highway Patrol Group Chief Supt. Roberto Fajardo.
Isasailalim din nga-yon sa re-autopsy ng PAO ang bangkay ni Santillan bago ito ilibing bukas.
May hinala rin si Chong na suspek uma-no ang may-ari ng Smartmatic sa pagkamatay ni Santillan dahil umaastang lider umano ng mafia ang may-ari nito.
Dagdag ni Chong na sakaling palarin siya na maluklok sa senado, mas marami pa siyang makakalkal na kontro-bersiya ng Smartmatic.